Si Navarro ay unang naaresto hapon ng Huwebes sa Mactan Cebu International Airport makaraang ireklamo dahil pananakit sa isang masahista.
Biyernes (Oct. 25) ng hapon, tinambangan si Navarro habang ito ay mayroong dalawang police escorts at ibinibiyahe sa bahagi ng M. Velez Street.
May suot pang bullet proof ang alkalde pero tinamaan pa rin ito ng bala sa kaniyang katawan.
Ayon sa mga nakasaksi, nakita nila ang apat na naka-mask na lalaki na sinalubong at pinaulanan ng bala ang van sakay ang alkalde.
May nakakita rin na nilapitan pa ng suspek ang alkalde at saka binaril.
Dadalhin sana sa Cebu City Prosecutor’s Office ang mayor para sumailalim sa inquest proceedings sa reklamong physical injuries at acts of lasciviousness.