P3.74B na halaga ilegal na droga at kemikal na ginagamit sa paggawa nito winasak ng PDEA

Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang aabot sa P3.74 billion na halaga ng ilegal na droga at kemikal na ginagamit sa paggawa nito.

Tinatayang aabot sa 498.52 kilograms ang winasak sa Integrated Waste Management sa Barangay Aguado sa Trece Martires City.

Ayon kay PDEA chief Aaron Aquino ginawa ang pagwasak upang maiwasan na ang mga kontrobersiya na maaring magamit pa sa drug recycling ang mga kontrabando.

Pinangunahan ni PDEA Laboratory Service director at spokesperson Derrick Carreon ang seremonya.

Ang mga sinira ay pawang nakumpiska ng PDEA sa ikinasang anti-drug operations at tapos nang gamitin sa korte bilang ebidensya.

Kabilang sa sinira ay mga “shabu”, marijuana, cocaine, ecstasy, ephedrine, ketamine, diazepam, nitrazepam, nalbin, dormicum, ephedrine methamphetamine, mephentermine, midazolam, mogadon, toluene, expired na mga gamot, 9,589 milliliters ng liquid shabu, at 19 milliliters ng acetone.

Ginamita ng proseso ng thermal decomposition ang pagwasak.

Read more...