Lalaking wanted sa iba’t ibang kaso patay sa sa shootout sa Laguna

Patay ang isang lalaki sa shooutout na naganap sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Mendoza na may mga kinakaharap na kasong may kaugnayan sa ilegal na droga, theft at robbery.

Sa report ng Laguna police, isisilbi ng kanilang mga tauhan ang warrant of arrest laban kay Mendoza alas 2:35 ng madaling araw ng Biyernes (Oct. 25) sa Barangay Real.

Pero tumanggi itong sumuko at nagpaputok pa ng baril.

Tinamaan ng bala ng baril ni Mendoza si Staff Sgt. Ronald Sueto.

Agad namang nakaganti ng putok si Sueto at kaniyang back-up team dahilan para masawi ang suspek.

Read more...