4 na pulis na nahuling nagpapasok ng kontrabando sa Bilibid maaring masibak sa serbisyo

Maaring masibak sa serbisyo ang apat na mga pulis na kabilang sa nahuli sa pagtatangkang magpasok ng kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, National Capital Region Police Office (NCRPO) director ito ay kapag lumitaw sa imbestigasyon na sila ay guilty sa grave offense.

Dalawa sa apat na pulis ay pawang police corporals na nahuling nagtangkang magpasok ng 60 sticks ng sigarilyo at alak na itinago pa sa bote ng iced tea.

Ang dalawa ayon kay Sinas ay nag-report na sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa Biyernes, Oct. 25 ng umaga.

Katwiran ng dalawa sa mga pulis inutusan lamang sila ng kanilang senior officers na ipasok ang mga kontrabando.

Kabilang sa inaalam sa imbestigasyon kung ang mga kontrabando ay ibebenta ng mga pulis sa mga preso sa bilibid.

Kinumpiska na ang cellphones ng mga pulis at isasailalim sa forensics ng Anti-Cybercrime Group.

Read more...