MIAA GM Monreal nag-inspeksyon sa NAIA

Bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa nalalapit na paggunita ng Undas ay nagsagawa ng inspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal.

Unang inikot ni Monreal ang Terminal 3 at ang Terminal 1 sa NAIA.

Kinumusta pa ni Monreal ang mga pasahero sa mga domestic flight at tinanong sa kanilang karanasan sa proseso sa paliparan.

Sa ginawang inspeksyon sinabi ni Monreal na nangako ang Bureau of Immigration (BI) na pupunuan ang lahat ng counters bago mag-peak season.

Ayon kay Monreal, inaasahan nilang magsisimula na sa Lunes October 28 ang dagsa ng mga pasahero.

Mula Oct. 28 hanggang Nov. 5 sinabi ni Monreal na maaring mas madami ang mga paalis at dumarating na pasahero sa NAIA.

Read more...