Inumpisahan na ng China ang pagsasagawa ng mga paglilitis ng mga kaso na nakahain sa korte gamit lamang ang isang kilalang instant messaging app.
Ginamit ng Zhengzou Intermediate People’s court sa kanilang pagdinig ang kilalang instant messaging app na ‘WeChat’
Ayon kay Guo Xiaokun, tagapagsalita ng ng People’s court, nagawa nilang magamit ang text at photosharing ng naturang app sa isang administrative case kaya’t napabilis ang proseso ng hearing.
Dahil dito aniya, natapos lamang ang pagdinig sa loob ng kalahating oras.
Kung sa tradisyunal na sistema aniya isinagawa ang hearing ay maaring umabot ito ng isang buong araw.
Umaasa ang people’s court na asa pamamagitan ng ‘WeChat’ trial, mapapabilis ang pagresolba ng maraming kaso dahil hindi na kailangan pang magtungo sa korte ng mga abugado at mga respondents.
Gayunman, bagaman epektibo, posibleng sa mga maliliit na kaso muna gamitin ang ‘weChat’ trial habang ito’y patuloy pang pinag-aaralan.