Ilang lalawigan sa Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Asahan ang pagbuhos ng malakas na ulan sa ilang lalawigan sa Luzon sa susunod na mga oras.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 9:32 ng umaga ng Biyernes, Oct. 25 katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Bulacan, Rizal at Quezon.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides na maaring maidulot ng malakas na pag-ulan.

Ang pag-ulan na mararanasan ay dulot lamang ng thunderstorm.

Read more...