39 na nakitang patay sa loob ng container truck sa England, pawang Chinese Nationals

Pawang Chinese Nationals ang 39 na katao na natagpuang patay sa loob ng isang refrigerated truck sa England.

Kinumpirma ito ng British police kasunod ng isinagawang imbestigasyon sa pagkakatuklas sa truck na naglalaman ng mga bangkay.

Ayon sa Essex Police, 31 sa mga bangkay ay lalaki at 8 ang babae.

Hawak pa rin ng mga otoridad ang isang 25 anyos na lalaki mula sa Northern Ireland at isinasailalim sa pagtatanong.

Sa ngayon nagsasagawa ng post-mortem examinations sa biktima para matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Ipinaalam na rin sa mga opisyal ng China ang inisyal na resulta ng imbestigasyon, at makikipagtulungan sa imbestigasyon ang mga tauhan ng Chinese Embassy sa UK.

Read more...