Istasyon ng pulis sa Bukidnon pinasabugan

May naganap na pagsabog sa isang istasyon ng pulisya sa Bukidnon.

Alas 7:45 ng gabi ng Huwebes (Oct. 24) nang hagisan ng pampasabog ang mess hall ng Quezon municipal police station.

Isang lalaki ang nakita na naghagis ng hindi pa matukoy na uri ng pampasabog.

Sinubukang habulin at paputukan ng naka-duty na pulis ang suspek pero mabilis itong nakatakas sakay ng motorisklo.

Wala namang nasugatan sa pagsabog pero nasira ang bahagi ng bubungan ng police station.

Nadamay din ang isang kotse na nakaparada sa labas.

Read more...