LOOK: Ilang lansangan sa Metro Manila sasailalim sa reblocking at repair ngayong weekend

Sasailalim sa road reblocking at repair ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH), magsisimula ang reblocking alas 11:00 ng gabi ngayong araw, Oct. 25 hanggang sa alas 5:00 ng umaga ng Lunes, Oct. 28.

Apektado ang sumusunod na kalsada:

– EDSA southbound mula National Shrine hanggang West AVenue , 1st lane mula sa sidewalk; bago mag-Estrella, outerlane; Camp Crame Gate hanggang Annapolis Street tabi ng MRT; EDSA northbound lagpas ng Aurora Boulevard hanggang New York Street, 3rd lane mula sa sidewalk
– Katipunan Avenue / C5 northbound paglagpas ng CP Garcia Street hanggang sa harap ng UP Town Center, truck lane
– G. Araneta Avenue southbound, mula Landragum Street hanggang Samar Street
– Mindanao Avenue northbound sa harap ng Caltex Gas Station hanggang Tandang Sora Avenue, 2nd lane mula sa sidewalk
– A. Bonifacio Avenue northbound malapit sa Selecta Drive, 2nd lane mula sa sidewalk
– Quirino Highway westbound mula Prime Rose Street hanggang King Fisher street, inner lane
– General Luis eastbound mula Rebisco Road hanggang SB Diversion Road

Payo ng DPWH sa mga motorista iwasan na lang muna ang nasabing mga kalsada ngayong weekend para hindi maabala.

Read more...