Ayon kay GSIS chairman, Acting President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet, tinitiyak nila na ang mga scholar ay mula sa mga miyembrong may pinamababang sahod at permanent total disability pensioners na below 60 years old.
Sa nasabing bilang, 50 slots ang inilaan sa 50 dependents ng persons with disabilities, solo o single parents at indigenous peoples.
Ang 400 na iskolar ay pinili mula sa 4,000 nominees na kukuha ng apat hanggang limang taon na kurso na tinukoy ng Commission on Higher Education.
Ang mga benepisyong inilaan sa mga scholar ay tuition and miscellaneous fees na hindi tataas sa P40,000 per academic year; monthly allowance na P3,000 habang mga magtatapos na cum laude, magna cum laude, o summa cum ay bibigyan ng reward na P20,000; P30,000; o P50,000.
Naka-post ang buong listahan ng 400 na bagong college scholars sa www.gsis.gov.ph.