Korean singer, actor Cha Eun Woo nasa bansa

Dumating sa bansa ang Korean singer at actor na si Cha Eun Woo.

Si Eun Woo ay miyembro ng Astro boy group at bumida sa “Gangnam Beauty”.

Mayroong fan meet ang aktor sa New Frontier Theater bukas, October 26 araw ng Sabado.

Ibinahagi ng local promoter na Willbros Live sa kanilang Facebook page ang mga larawan ni Eun Woo nang dumating ito sa bansa Huwebes ng gabi.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita sa bansa ang aktor kaya sinabi nitong excited siya sa kaniyang fan meet.

Read more...