Ito ang panawagan ni Sen. Kiko Pangilinan sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) kaugnay sa processed meats na napaulat na positibo sa African Swine Fever o ASF.
Ayon sa senador maaring maibsan ang pangamba ng publiko kapag susunod ang dalawang kagawaran ang kanyang panawagan.
Aniya hindi maiaalis sa mga consumer na magkaroon ng matinding pangamba na makain nila ang mga naturang processed meats.
Napaulat na may samples ng tocino, hotdog at longganisa na gawa ng isang kompaniya na naka-base sa Metro Manila na nagpositibo sa ASF virus.
Hirit pa ni Pangilinan hindi dapat ilihim sa publiko ang brand ng mga naturang processed meats.
Dagdag pa ng senador na dapat magsilbing aral ito sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na higpitan ang pagmonitor ng mga karne ng baboy at produktong baboy.
Sa ngayon ang sakit ay nagresulta na sa pagpatay sa higit 60,000 baboy sa ibat ibang bahagi ng bansa.