Water level ng Angat dam nasa 185.64 meters na lang

Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, Oct. 25 ay 185.64 meters ang antas ng tubig ng Angat dam.

Mas mababa kumpara sa 185.87 meters na water level nito kahapon.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam na nasa 100.34 meters na lang at ang La Mesa dam na nasa 77.42 meters.

Maging ang water level ng Ambuklao, Binga at Caliraya ay pawang nabawasan.

Habang nadagdagan ng kaunti ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Read more...