Lalaking nasa drug watchlist arestado sa Cagayan De Oro City

Nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 10 ang isang lalaking suspek na kasama sa drug watchlist ng mga otoridad sa Cagayan De Oro City.

Kinilala ang suspek na si Nilomer Tanlocsin, na naaresto sa Barangay Lapasan Huwebes (Oct. 24) ng hapon.

Ikinasa ng mga tauhan ng PDEA Region 10, Camiguin Provincial Office at Misamis Oriental Provincial Office ang buy-bust operation laban sa naturang suspek.

Nakumpiska sa kaniya ang isang maliit, isang medium size at isang malaking sachet ng shabu na may bigat na apat na gramo at tinatayang aabot sa P27,200 ang halaga.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Read more...