PNP bumuo ng unit na tututok sa mga election hot spots

PNP-police
Inquirer file photo

Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng special Task Group na magbabantay sa mga anim na election areas of immediate concern sa 2016 national election.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations DDG Danilo Constantino, ito ay magmumula sa mga tauhan ng Regional Special Operations Task Group (RSOTG).
Ang nasabing grupo ay direktang magre-report sa pamunuan ng PNP Deputy Regional Director for Operations.

Kabilang sa anim na inilagay sa areas of immediate concern para sa 2016 election ay ang mga sumusunod:

Pangasinan
Masbate
Negros Oriental
Lanao del Sur
Maguindanao at
Samar

Paliwanag ni Constantino, inilagay nila sa areas of immediate concern ang anim na mga lalawigan dahil sa matinding labanan sa pulitika, may mga threat group o private armed groups sa lugar at may dati nang record ng karahasan sa panahon ng halalan.

Read more...