‘Unforgettable’ ni Sarah Geronimo kumita ng P5.1M sa unang araw ng showing

Mainit na tinanggap ng moviegoers ang pelikulang “Unforgettable” ni Sarah Geronimo matapos itong kumita ng P5.1 milyon sa unang araw ng showing.

Araw ng Huwebes inanunsyo ng Viva Films sa kanilang social media pages ang first day gross ng pelikula matapos ipalabas sa 216 sinehan sa buong bansa.

Tampok at katambal ni Geronimo sa pelikula ang wonder dog at social media star na si Milo, isang Jack Russell Terrier.

Makailang beses nang nagtretrending sa Twitter ang pelikula dahil sa mga papuri ng mga nakapanood.

Rated G ang ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikula kaya pwede ito sa buong pamilya.

Sa article ng Pep.ph, tiwala ang Radyo INQUIRER anchor na si Noel Ferrer na kaya pang higitan ng ‘Unforgettable’ ang first day gross nito sa mga susunod na araw.

 

Read more...