Sen. Go: PhilHealth, mga pribadong ospital nagkasundo ukol sa reimbursement claims

Inihayag ni Senator Bong Go na nangako ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAP) na magkasundo ukol sa isyu ng umanoy hindi pa bayad na reimbursement claims.

Ayon sa Go, sa pulong araw ng Huwebes ay napagkasunduan ng dalawang panig na ayusin ang isyu.

Sinabi anya ng mga opisyal ng PhilHealth na kakausapin nila ang pamunuan ng iba’t ibang private hospitals para ma-reconcile ang kanilang claims.

Una nang sinabi ng senador na ipapatawag niya ang mga pinuno ng PhilHealth at PHAP para maplantsa ang problema.

Ito ay kasunod ng banta ng mga pribadong ospital na hindi na mag-renew ng kanilang accreditation dahil may utang pa umano ang PhilHealth sa kanila.

Sinabi ni Go na naintindihan niyang dapat mabayaran ang mga ospital pero hindi anya dapat pabayaan ang mga pasyente.

Giit ng senador, mahalagang matiyak na maayos na nagagamit ang pondo ng PhilHealth para sa benepisyo ng mga mamamayan na kailangan ang serbisyo medikal.

“Naiintindihan ko mga hospital na dapat sila mabayaran. Ang concern ko lang dapat hindi mapabayaan ang mga pasyente. Dapat hindi ma-hamper ang serbisyo,” nakasaad sa pahayag ni Go.

 

Read more...