Ayon sa pahayag ng Palasyo Huwebes ng gabi, tinalakay ng dalawang lider ang implementasyon ng infrastructure projects na pinopondohan ng China.
Nagpasalamat si Duterte kay Hu sa pagpunta sa bansa at sinabing ang kanyang pagbisita ay tanda ng lumalalim na ugnayan ng Pilipinas at China.
Samantala, sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang pagbisita ni Hu ay nagbigay-daan din para talakayin ang mga usapin sa kalakalan, pamumuhunan, agrikultura at turismo.
Sa China, si Hu ay nakatalaga para pamunuan ang mga bagay na may kinalaman sa agrikultura, water resoruces, komersyo at turismo.
Kabilang sa mga miyembro ng delegasyon ni Hu na nasa courtesy call ay sina Ambassador of the People’s Republic of China to the Philippines Zhao Jianhua, State Council Deputy Secretary-General Gao Yu, Ministry of Foreign Affairs Vice Minister Zheng Zeguang.
Kabilang naman sa Philippine officials na present din sa pulong ay sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Executive Secretary Salvador Medialdea AT Finance Secretary Carlos Dominguez III.