Opisyal ng DILG sa Eastern Visayas natagpuang patay sa tanggapan nito

Natagpuan ang bangkay ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Eastern Visayas sa loob ng tanggapan nito sa Tacloban City Huwebes ng hapon.

Kinilala ng otoridad ang opisyal na si Valente Bajet na assistant regional director ng DILG-Eastern Visayas.

Ayon sa pulisya, walang senyales na may foul play sa pagkamatay ng DILG official.

Huling nakitang buhay publiko si Bajet araw ng Miyerkules nang ito ang kumatawan kay DILG Regional Director Artemio Caneja sa seminar kaugnay ng pagtugon sa nawawala o namatay na mga katao sa gitna ng kalamidad.

Si Bajet ay dating DILG provincial director for Northern Samar mula 2002 hanggang maitalaga ito bilang assistant regional director noong Enero.

 

Read more...