Halos 300 residente inilikas dahil sa pagbaha sa Davao City

Davao City LGU Photo

Inilikas ang 286 na mga indibidwal mula sa iba’t ibang barangay sa Davao City dahil sa pagbaha sa lungsod Huwebes ng gabi.

Ayon sa lokal na pamahalaan, binaha ang Purok 23, Barangay Sto. Niño kaya inilikas ang mga residente sa Barangay Hall.

Kabilang sa mga inilikas ang 25 katao na mula sa Philoia, Bago Aplaya at 56 katao naman sa Barangay Sto. Niño sa Tugbok.

Nagsagawa ang otoridad ng rescue operation sa binahang mga lugar.

Ang pagbaha sa lungsod ay dahil sa pag-apaw ng Matina River habang umapaw din ang tubig sa isang creek sa Purok 9, Barangay Tacunan.

Dahil dito ay hindi madaanan ang pansamantalang tulay sa Matina Pangi at nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga residente sa lugar.

Samantala, itinaas naman ang Code Red sa Talomo River channels.

Ayon sa Pagasa, nakakaranas ng pag-uulan sa Region 11 sakop ang Davao City dahil sa localized thunderstorms.

Read more...