M3.7 na aftershock naitala sa Cotabato

Yumanig ang magnitude 3.7 na lindol sa Cotabato alas-11:04 Huwebes ng gabi.

Ito ay aftershock ng magnitude 6.3 na lindol noong nakaraang linggo.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng aftershock ay sa layong 22 kilometro Timog-Silangan ng Tulunan.

May lalim ang pagyanig na 10 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV na pagyanig sa Kidapawan City.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang panibagong pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...