Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 7, mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang estudyante at isang kasama nito.
Nakuha sa dalawa ang 200 gramo ng shabu at P1,000 buy bust money sa operasyon sa isang apartelle sa Barangay Payatas.
Nabatid na dati nang nakulong ang estudyante at nakalaya lamang dahil sa plea bargaining agreement pero bumalik ito sa pagtutulak ng droga.
MOST READ
LATEST STORIES