P3.4M halaga ng shabu nasamsam sa lalaki sa Taguig; shabu itinago sa balot ng diaper

Arestado ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City Huwebes ng gabi.

Nakumpiska sa suspect ang sampung pakete ng shabu at ang balot ng diaper na pinaglagyan nito ng droga.

Nabatid ng PDEA na balot ng diaper ang pinaglalagyan ng shabu ng suspect para pasimple itong maibigay sa kanyang mga customer.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang lalaking suspect.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...