Sunog sumiklab sa Pasay City

Screengrab of Kris Toffer Tobes video

Natupok ng apoy ang dalawang bahay sa sunog na sumiklab sa Geronimo St., Brgy. 172, Malibay, Pasay City, pasado alas-7:00 ng gabi ng Huwebes.

Ayon kay Fire Insp. Glen Celestial ng Pasay City Fire Station, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Eduardo Seriaco.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang katabing bahay.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula eksakto alas-8:56 ng gabi.

Walang nasaktan sa sunog at nag-iwan ito ng nasaP100,000 pinsala sa ari-arian.

Sa Facebook video ng netizen na si Kris Toffer Tobes, makikita ang naglalagablab na apoy na tumutupok sa mga kabahayan.

Read more...