Pitong hinihinalang miyembro ng BIFF patay sa sagupaan sa Cotabato

Pitong hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi sa pakikipagbarilan sa mga sundalo at pulis sa Cotabato.

Nangyari ang bakbakan umaga ng Miyerkules (Oct. 23) sa Sitio Narea, Barangay Tumbras sa Midsayap.

Isa sa mga nasawi ang kinilalang si Mama Macalimbol, 35 anyos.

Ayon sa mga otoridad, isa si Macalimbol sa lider ng grupo at may kinakaharao na warrant of arrest para sa kasong multiple murder.

Si Macalimbol ay number 4 most wanted sa Midsayap.

Napatay din sa operasyon ang isang Bidis Macarimbang.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng limang iba pa.

May mga nakumpiska namang matataas na kalibre ng baril mula sa mga napatay na BIFF members.

Read more...