P1.3M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang Nigerian sa Cavite

Arestado ang isang Nigerian national sa ikinasang buy-bust operation sa Imus, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Leonard Ohaeri, 27 anyos at residente ng BF Homes Resort Subd. sa Las Pinas City.

Nagawang mabilihan ng poseur buyer ang dayuhan ng P200,000 halaga ng ilegal na droga sa isang convenience store sa Barangay Bayan Luma 4.

Nang kapkapan ng mga pulis ay nakuhanan pa siya ng isang plastic bag ng shabu.

Aabot sa 220 grams ang bigat ng shabu at tinatayang P1,360,000 ang halaga.

Inaalam pa kung ano ang estado ng paninirahan sa bansa ni Ohaeri.

Read more...