Pulis patay sa pamamaril sa Antipolo

Patay ang isang pulis na nakatalaga sa Bicol makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Antipolo City.

Kinilala ang nasawing pulis na si Staff Sergeant Jose Delos Reyes, 55 anyos.

Nakadestino si Delos Reyes sa Camarines Sur at base sa nakuhang driver’s license nito siya ay residente ng Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon, bumaba ng tricycle ang biktima sa Barangay San Jose nang dumating ang mga suspek at saka siya binaril.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaslang at pinaghahanap ang mga suspek.

Read more...