Estudyante patay sa road accident sa Kidapawan City

Patay ang isang estudyante nang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang pick-up sa Barangay Lanao, Kidapawan City Miyerkules (Oct. 24) ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Milo Retiza, residente ng Bonifacio St. sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, pauwi na si Retiza makaraang ihatid ang kaklase nang mangyari ang sakuna bandang alas-10:30 ng gabi.

Nabatid na sugatan din sa pangyayari ang hindi kinilalang driver ng Izuzu Hi-lander na nakabanggaan ng motorsiklo.

Read more...