Lalaki patay makaraang tambangan sa loob ng kaniyang bahay sa Negros Oriental

Patay sa pamamaril ang isang lalaki matapos tambangan ng mga hindi nakilalang suspek sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Negros Oriental.

Nanonood lamang ng TV ang biktimang si Alfonso Palalon Yorong, 41 nang tambangan Miyerkules ng (Oct. 23) gabi sa Barangay Mayabon, bayan ng Zamboanguita.

Ayon kay Police Capt. Danilo Santillan, hepe ng Zamboanguita Police Station, nakaupo at nanonood lamang ang biktima nang dumating ang dalawang suspek.

Isa sa mga suspek ang pumwesto sa likod ng biktima at saka ito binaril ng ilang beses sa ulo at katawan.

Dead on the spot si Yorong habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...