Base kasi sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, balik-trabaho na ngayong araw si Pangulong Duterte.
Tuloy ang pakikipagpulong mamaya ni Pangulong Duterte kay Chinese Vice Premier Hu Chunhua upang pag-usapan ang mga infrastructure projects na popondohan ng China.
Wala ring balak si Pangulong Duterte na kanselahin ang nakapilang foreign trip niya gaya ng sa Association of Southeast Asian Nations Summit sa Thailand na gaganapin sa Nov. 1 hanggang 4 at Asia Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ Meeting na gaganapin sa ikalawnag linggo ng Nobyembre sa Chile.
Ayon kay Panelo, gagampanan pa rin ni Pangulong Duterte ang kanyang presidential duties na may kaparehong sigla at didikasyon alinsunod sa mandato ng konstitusyon para pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan.
Kasabay nito sinabi ng Malakanyang na walang dapat ipag-alala sa estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte.