Sunog sa Robinsons Mall sa Tacloban City naapula na

Naapula na ang sunog sa Robinsons Place sa Marasbaras sa Tacloban City.

Nagsimula ang sunog alas 5:45 ng hapon ng Miyerkules (Oct. 23).

Umabot na sa 4th alarm ang sunog bago tuluyang naaapula.

Ayon sa Tacloban City Fire Bureau, maaring sa isang restaurant sa ground floor ng mall nagsimula ang sunog.

Mabilis itong kumalat sa mga kadikit na establisyimento hanggang sa umabot sa department store ng mall na nasa 2nd floor.

Read more...