DOJ kinumpirma ang pagpasok sa bansa ng isang Korean national na pinaghihinalaang sangkot sa sindikato ng droga

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Markk Perete na dumating sa Pilipinas ang isang Korean National na nagngangalang Kim Yu Seok.

Ayon kay Perete, batay sa records ng Bureau of Immigration, si Kim Yu Seok ay dumating noong September 30, 2019 at wala pa itong record of departure magmula nang ito ay dumating sa Pilipinas.

Gayunman, hindi pa raw nila maaring makumpirma kung ang nasabing Kim Yu Seok ay ang Johnson Lee na pinaghihinalang drug lord at naging target ng drug raid ng mga pulis sa Pampanga noong 2013.

Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Perete kasunod ng natanggap na impormasyon ng tanggapan ni Senador Richard Gordon mula sa embassy of Korea kaugnay sa isang Kim Yu Seok na hinihinalang si Johnson Lee.

Sinabi ni Perete na batay sa passport number na gamit umano ni Kim Yu Seok at ibinigay ng Korean Embassy, lumalabas na ito nga ay bumiyahe sa Pilipinas noong September 30.

Nauna nang sinabi ni Gordonmahalaga umano na matunton ng mga otoridad ang kinaroroonan ni Lee sakaling ito ay nasa Pilipinas pa.

Siya raw kasi ang magiging susi sa kung ano ang totong nangyari sa operasyon ng mga pulis sa Pampanga noong 2013.

Read more...