Antas ng tubig sa Angat dam bumagsak na sa 185-meter level

Bumaba na sa 185-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Oct. 24 ay nasa 185.87 meters ang antas ng tubig sa Angat.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na ngayon ay nasa 100.37 meters at 77.47 meters.

Nabawasan din ang water level sa Ambuklao at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang water level sa Binga, San Roque, Pantabangan at Magat.

Read more...