Birthday wish ni Mayor Isko: 1 araw na walang krimen at paglabag sa Maynila

Sa kanyang ika-45 na taong kaarawan ngayong Huwebes October 24, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na trabaho pa rin ang kanyang aatupagin.

Hindi inaasahan ni Moreno na makakapag-pahinga siya sa kanyang birthday dahil nakatakda niyang pangunahan ang pagbubukas ng tatlong health centers sa lungsod.

Pero gaya ng ibang nagdiriwang ng kaarawan, mayroong wish ang alkalde.

Ang birthday wish ni Moreno, isang araw na walang krimen at paglabad na mangyayari sa Maynila.

Una na itong naglabas ng open letter sa mga taga-Maynila na simple lamang ang kanyang hiling.

Ito ay ang makiisa ang mga mamamayan sa kanyang hangarin na linisin at magkaroon ng kaayusan sa syudad.

 

Read more...