Bayan Muna: Mga dagdag-singil sa tubig dapat ibalik sa consumers

By Rhommel Balasbas October 24, 2019 - 04:39 AM

Inihihirit ng Bayan Muna sa Maynilad at Manila Water na ibalik sa consumers ang lahat ng dagdag-singil sa tubig.

Ito ay dahil sa panibagong bugso ng water service interruptions na magsisimula na ngayong araw.

Ayon kay Bayan Muna chairperson Neri Colmenares, maikalang beses na iginiit ng water concessionaires sa kanilang mga nagdaang rate rebasing periods na kailangan ang dagdag-singil.

Ito ay para sa bilyong pisong gagastusin sa paghahanap ng panibagong pagkukunan ng water supply.

“During their previous rate rebasing periods for so many years the water concessionaires justified their increases because of the billions of pesos they will spend in projects to find new sources of water supply,” ani Colmenares.

Giit ni Colmenares, taun-taong nagtaas ng singil pero walang nangyari at kulang pa rin ang suplay ng tubig.

Ayon pa kay Colmenares, dapat sumailalim sa audit ng Commission on Audit (COA) ang mga water concessionaires kung bakit hindi nagawa ang mga proyektong layong tiyakin ang suplay ng tubig.

Dapat umanong masilip ng COA ang mga dokumento at ipakita sa publiko kung magkano ang dapat maibalik.

Sinabi naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office, (MWSS-RO), ang tanggapang nangangasiwa sa Metro Manila water concessionaires, pag-aaralan nila ang nais ng Bayan Muna.

 

TAGS: Bayan Muna chairman Neri Colmenares, COA, dagdag singil, ibalik, manila water, maynilad, tubig, water service interruptions, Water supply, Bayan Muna chairman Neri Colmenares, COA, dagdag singil, ibalik, manila water, maynilad, tubig, water service interruptions, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.