Nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang processed meat products na nakuha sa isang Manila-based company.
Ayon sa clinical laboratory report ng Bureau of Animal Industry (BAI), ang mga produktong nagpositibo sa ASF ay hotdog, longganisa at tocino.
Hindi naman tinukoy sa nasabing report ang brands ng naturang meat products.
Sinuri sa pamamagitan ng real time polymerase chain reaction test ang nasabing mga produkto.
Ang pagkakadiskubre sa pagpositibo ng naturang mga produkto sa ASF ay ilang araw pa lang matapos ipag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-salis sa ban sa pagpasok ng meat products sa mga lalawigan.
Una nang iginiit ng Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) na namamatay ang ASF virus kapag niluto ang produkto sa init na 70 degrees sa loob ng 30 minuto batay sa itinakdang kondisyon ng World Organization for Animal Health.
Pero ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), dahil sa pagpositibo sa ASF ng ilang meat products, hindi dapat pagkatiwalaan ang sinasabi ng meat processors na namamatay sa heat treatment ang ASF virus.