DOTr: Sangley Airport 95% ng kumpleto

DOTr Asec Goddes Hope Libiran

Inihayag ng opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na 95 porsyento ng kumpleto ang Sangley Airport.

Ayon kay DOTr Assitant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran, “on track” ang malapit ng matapos na paliparan para sa dry run nito sa October 29.

Kabilang sa natapos na ang pag-aspalto at clearing ng huling bahagi ng runway, re-blocking ng concrete pavement, paglalagay ng 2 pumps kasama ang drainage system, konstruksyon ng rampa, site development, landscaping at streetlight installation.

Tapos na rin ang konstruksyon ng access road, paglagay ng CCTV Surveillance System, counter, weighing conveyor, Meteoroligical setup at mobilization ng 2 fire trucks.

Sa Biyernes ay maglalagay ng Precision Approach Path Indicator (PAPI lights) at magkakaroon ng outfitting sa 4 na bagong passenger-friendly chairs.

Noong Hunyo ay inutos ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang 24/7 construction ng Sangley Airport alinsunod sa deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon na ng biyahe sa paliparan para ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Read more...