Sa abiso ng DFA araw ng Miyerkules, tatakbo ang job fair mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Apolinario Mabini Hall, DFA Building, Roxas Boulevard.
Ayon sa kagawaran, 16 na recruitment agencies ang magsasagawa ng initial screening ng mga aplikasyon bukod pa sa 10 kumpanya na accredited ng Department of Trade and Industry (DTI).
Tiniyak ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na patuloy na magbibigay ng suporta at tulong ang kagawaran sa mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo na ang mga sapilitang napauwi sa bansa.
Samantala, hindi lang job fair ang alok ng DFA kundi medical consultation din para sa repatriated OFWs.