Sina Gretchen, Marjorie, Claudine at kanilang mga pamangkin ay nagpang-abot sa harap mismo ng presidente.
Sa panayam ng mga reporters araw ng Miyerkules, sinabi ni Sen. Bong Go na nagulat sila ng pangulo sa nasaksihan.
Para anyang ‘shooting ng pelikula’ ang awayan ng magkakapatid na Barretto.
“Na-shock din kami nung nakita naming. Parang shooting (ng pelikula) din”, ani Go.
Ayon sa senador, humingi ng paumanhin si Marjorie kay Duterte matapos humarang ang Presidential Security Group para tiyakin ang seguridad ng pangulo.
Hindi naman nakita ni Go kung sino ang nagsimula ng gulo dahil nasa likuran siya noong maganap ito.
Bilib naman ang senador kay Duterte dahil naging malumanay ito sa sitwasyon at sinubukan pa ring pagbatiin ang magkakapatid bilang pagrespeto sa kanilang ama.
“Dun ka po bilib kay Pangulo talagang gusto nya magkabati ang pamilya lalo na in respect sa harapan ng kanilang tatay, napakamalunay ng Pangulo. Sabi nya, ‘Pwede ba magkaayos na kayo?’ Tatay Digong talaga. Umiral pagka-tatay n’ya di lang sa bansa kundi pati sa pamilyang naga-away,” ayon kay Go.
Samantala, sinabi ni Go na handa siyang pumagitna para magbati ang magkakapatid na Barretto.