UP Visayas patuloy na ipaglalaban ang ‘academic freedom’, ‘freedom of speech’

Gian Genoveza/UPV IPO

Nanindigan si University of the Philippines (UP) Visayas Chancellor Dr. Ricardo P. Babaran na patuloy na ipaglalaban ng kanyang administrasyon ang academic freedom at freedom of speech.

Bagama’t walang direktang pagtukoy, ang pahayag ni Babaran ay sa gitna ng babalang natatanggap ng mga estudyante ng UP Visayas mula sa mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang nag-viral at umani ng samu’t saring komento ang cheerdance ng academic organization na ‘Skimmers’ ng UP Visayas kung saan isa sa mga linya ay “Let’s kill the president! Charot!”

Ayon kay Babaran, hindi man lahat ay magiging sang-ayon sa pananaw ng bawat isa ay ipaglalaban niya ang karapatan sa self-expression ng mga taga-UP Visayas.

Pinayuhan naman ang mga estudyante na maging responsable sa paggamit ng social media lalo’t limitado lamang ang kakayahan ng unibersidad na matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Hinimok din ng chancellor ang media na ikonsiderang tapos na ang isyu lalo’t naglabas na ng pahayag ang Malacañang na pinagtitibay ang karapatan ng mga mag-aaral sa self-expression.

Read more...