Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 27 hanggang 30, nasa 2.3 milyong pamilya o 9.1 percent ang nakaranas ng involuntary hunger isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Ito ay isang “improvement” kumpara sa 2.5 million na pamilya o 10 percent na naitala noong Hunyo.
Habang una nang naitala sa March SWS survey na 2.3 million na pamilya o 9.5 percent ang nakaranas ng gutom.
Samantala, nasa 1.8 million na pamilya ang nakaranas ng moderate hunger o nagutom ng isang beses o ilang beses lamang sa third quarter ng 2019.
Habang 426,000 na pamilya ang nakaranas ng severe hunger o ang madalas o laging pagkagutom.