Ramon Ang: Hindi ko kilala si Julia Barretto

Pati ang negosyanteng si Ramon Ang ay nadawit sa isyu ng magkakapatid na Barretto matapos na ma-link ito sa anak ni Marjorie Barretto na si Julia.

Pero ayon kay Ang, wala siyang naaala na anumang pagkakataon na nagkita sila ni Julia.

Ayon sa presidente ng San Miguel Corporation, pwede na niyang maging apo ang aktres.

Itinuring ni Ang na malisyoso ang balita na may kaugnayan siya sa young actress.

“She could be my grandchild, so frankly I did not know how to react to this malicious rumor…When my own grandchildren grow up, perhaps they can all be friends,” pahayag ni Ang sa isang text message.

Giit ni Ang, wala siyang anumang romantic connection sinuman sa magkakapatid na Barretto.

 

Read more...