State of man-made calamity idineklara sa isang lugar sa Maguindanao

Isinailalim sa state of man-made calamity ang Baranggay Dungguan sa Datu Montawal (Pagagawan), Maguindanao, dahil sa bakbakan ng dalawang field commanders ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sumiklab ang gulo sa pagitan nina Commander Butoh Mantol at Commander Paglas Balaumol na pawang may mga alitan sa kanilang pamilya.

Tatlo na ang nasawi sa kaguluhan at 21 na ang nasaktan ayon sa mga awtoridad.

Bukod dito, pansamantalang sinuspinde ang klase sa tatlong paaralan at maraming sibilyan ang sapilitang pinalikas sa lugar.

Dahil dito, napagpasyahan ng barangay council na magdeklara ng state of man-made calamity na sinuportahan naman ng pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayor Datu Otho Montawal.

Umapela si Montawal at iba pang opisyal ng MILF na tapusin na ng dalawang kumander ang kanilang hidwaan.

Samantala, nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa daan-daang apektadong pamilya.

 

Read more...