LOOK: LGBT pedestrian lane malapit sa Manila City Hall

Manila PIO photo

Isang LGBT-inspired pedestrian lane ang bubungad sa mga tao na magagawi malapit sa Manila City Hall sa kanto ng Arroceros at Natividad Streets.

Ito ay matapos pinturahan ng lokal na pamahalaan ng iba’t ibang kulay ang pedestrian lane na malapit sa isang mall at Liwasang Bonifacio o Kartilya ng Katipunan.

Ang hakbang ay bilang suporta ng Maynila sa LGBT community.

Manila PIO photo

Plano ng Manila City local government na magkaroon pa ng maraming “rainbow” pedestrian lanes sa lungsod.

Sa kanyang Facebook video ay sinabi ni Mayor Isko Moreno na isa itong pagpapakita ng simpatya sa mga miyembro ng LGBT community.

Nais ng alkalde na maramdaman ng grupo na bahagi sila ng komunidad sa pamamagitan ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan.

Read more...