Dating vice-mayor huli dahil sa investment scam

Arestado ang isang dating bise alkalde kasama ang apat na iba pa dahil sa investment scam sa Mandaue City, Cebu Martes ng gabi.

Ayon kay Major Edwin Lacostales mula sa Mandaue City unit ng Criminal Investigation and Detection Group sa Central Visayas, nahuli ang mga suspek na sina Caesar Ian Acenas, dating bise alkalde ng Cagayan de Oro City; at si Ailyn Hope Matulac na ikinasang entrapment operation sa isang coffee shop bandang alas diyes ng gabi.

Naaresto rin ang iba pang mga suspek na sina Arjun Gumban, bente-sais anyos; Maria Esperanza Makinano, trenta y kwatro anyos; at Adjetar Daya Jr., trenta y singko anyos.

Nagkasa ng operasyon laban sa mga suspek matapos maglabas ng reklamong estafa sa Davao City at Cagayan de Oro City.

Ayon sa mga otoridad, “double-your-money” ang modus ng mga kumpanya ng grupo na “NH Bliss Incorporated” at “BNHPA Holdings Incorporated.”

Ang nabanggit na dalawang kumpanya ay hindi otorisado sa Security and Exchange Commission para mangolekta ng investments.

Sa ngayon, nakakulong ang limang suspek sa headquarters ng CIDG-7 sa Cebu City.

Read more...