Gamboa: Lifestyle check sa mga kandidato bilang PNP chief ipaubaya kay Duterte

Inquirer file photo

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na bahala na si Pangulong Rodrigo Duterte kung isasalang o hindi sa lifestyle check sa mga kandidato sa pagka-PNP chief.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Camp Crame, sinabi ni Gamboa na magkakaroon ng vetting process ang Office of the President sa panukala.

Aniya, nirerepesto niya ang pangulo kung gagawin ang suhestiyon ng publiko para makapili ng susunod na hepe ng PNP.

Matatandaang tatlong opisyal ang inirekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa pangulo.

Kabilang dito sa Gamboa, kasama sina Lt. Gen. Camilo Cascolan at Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Read more...