Mataas na opisyal ng NPA nahuli sa checkpoint sa Kidapawan City

Inquirer file photo

Timbog ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa Kidapawan City, Martes ng hapon.

Ayon kay Lt. Col. Rodjun Rosales, commander ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army, nahuli ang lider ng komunistang grupo na si Mindaley Genotiva o alyas “Karla” sa isang itinalagang checkpoint ng mga otoridad sa lugar.

Aniya Si Genotiva ay pinuno ng isang urban committee ng teroristang grupo sa Mindanao region.

Nahaharap din ito sa limang kaso ng attempted murder at iba pa.

Sa ngayon, nakakulong na si Genotiva sa Kidapawan police station.

Read more...