Good Deeds mabisang pangontra sa kamalasan sa Year of the fire Monkey sa “Problema lang ‘yan” ni Brenda Arcangel

brendaSa February 8 ang Chinese New year at Dahil nalalapit na naman ang Chinese New Year, at ngayong taon ay sasalubungin ang Year of the Fire Monkey, usong-uso na naman ang mga pampaswerte.

Nais din natin na malaman kung sino-sino ang mga susuwertihin at kung ano ang mga animal sign ang “lucky” sa taon ng mga monkey.

Sa ating programang Warrior Angel (11:00-12:00, Saturday) naging guest ko ang Feng Shui expert na si Dr. Willy Go Ang at sinabi niya na dahil “Fire Monkey,” masyadong agresibo ang taon na ito.

Sinabi ni Master Willy na dapat na mag-ingat sa mga may kinalaman sa apoy, kuryente at mga kalan. Aniya, ang lucky color ay blue at red.

Ayon sa dikta ng Year of the Fire Monkey, ang mga animal signs na susuwertihin ay mga taong nasa animal signs na Rat ( 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008), Dragon (1916, 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012) at Rabbit (1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011).

Ang hindi naman papalarin ay ang mga animal signs na Tiger (1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010), Snake (1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013) at Pig (1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007).

Pinag-iingat naman ni Master Willy ang mga isinilang sa year of the Monkey dahil kahit na kapareho ang inyong animal sign, hindi ibig sabihin na compatible na kayo at uulanin ng swerti. Sinabi ng feng shui expert na base sa kanyang karanasan, ang magkapareho ng sign ay 20 % lang ang sinusuwerte habang 80 % ang nakararanas ng kamalasan.

Isa sa ikinatuwa ko maging ng aking mga listeners ay nang magkaroon ako ng kaunting game at humingi ako ng forecast kay Pangulong Aquino at sa mga presidential aspirants na tumatakbo sa May 9 elections base na rin sa kanilang birth date at animal signs.

Babala po, wala po tayong kinikilingan dahil itoy base lamang sa pahayag ni Master Willy.

Kay Pangulong Aquino na ang animal sign ay Rat na bagamat swerti daw ngayong taon ay hindi pa rin daw ligtas sa kamalasan lalo na kapag bumaba sa pwesto.

Sa pagtaya ni Master Willy, magkapareho ng kapalaran sina former Secretary Mar Roxas at Senator Grace Poe na parehong Year of the Rooster at pareho din aniyang hindi papalarin sa anumang gagawin ng mga ito ngayong taon.

Ang aambunan ng maraming swerte base sa pagtaya ng Feng Shui expert at base sa sinasabi ng kanyang animal sign ay si Vice President Jejomar Binay.

Nais kong ulitin na wala po akong kinikilingang partido o sinumang kandidato.

Paglilinaw pa ni Master Willy na bagamat ang lucky color ay blue at red, depende pa rin daw ito sa inyong personal lucky color.

Pero ang pinaka nagustuhan ko na sinabi ni Master Willy na walang makakatumbas na anumang pampaswerte ay ang pag-gawa ng mabuti at umiwas sa mga taong nega na magbibigay ng kapahamakan. “Ang tao ang gumagawa ng swerte. Huwag tayong gagawa ng hindi maganda sa kapwa.” Ani Master Willy.

In other words, good vibes lang po palagi.

Si Dr. Willy Go Ang ay maaring puntahan sa 5th floor ng Gateway Tower , at maaari din siyang ma-contact sa numerong 2905871 /09178973797.

Read more...