56 na ang nadakip sa paglabag sa election gun ban

gun-banUmabot na sa 56 na katao ang nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), mayroon nang isang pulis at isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kasama sa mga nadakip.

May naaresto ring isang barangay tanod, isang CAFGU member, dalawang security guards habang ang iba pawang mga sibiliyan.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor, umabot na rin sa 46 firearms ang kanilang nakumpiska, 110 na deadly weapons, isang gun replica at 108 ammunitions.

Simula noong January 10 nagsimula nang magsagawa ng 3,161 operations at checkpoints ang PNP para sa gun ban na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec).

Read more...